Thursday, February 16, 2012

Pabula ng "Ang Lobo at ang Kambing

Ang Lobo at ang Kambing



Isang lobo ang nahulog sa balon na walang tubig. Sinikap niya ang tumalon upang maka-ahong palabas, ngunit lubhang malalim ang balon na kanyang kinahulugan.
Noon dumating ang isang uhaw na uhaw na kambing. Lumapit ito sa balon at narining ang tinig ng lobo. “Marami bang tubig sa loob ng balon?” tanong nito sa lobo. “Oo, napakarami!” ang pagsisinungaling na sagot naman ng lobo.
Hindi na nagdalawang-isip pa ang kambing. Agad itong tumalon sa balon. At nalaman ngang siya’y niloko lamang ng lobo. “Ngayo’y pareho na tayong bilanggo ng balon na ito,” ang sabi ng lobo. “Mamamatay tayo sa uhaw at gutom dito,” ang sabi ng kambing.
“Kung gusto mong makaalis dito, magtulungan tayo. Mayroon akong naisip na paraan kung papaano nating gagawin iyon.”
“Papaano?”
Noon ipinatong ng lobo ang mga paa sa katawan ng kambing. “Ako muna ang lalabas. At kapag nakalabas na ako, at saka kita hahatakin palabas,” pangako nito. “Sige,” ang sabi naman ng kambing.
Nakalabas nga ng balon ang lobo sa tulong ng kambing. Ngunit noong pagkakataon na ng kambing para tulungan nito’y agad iyong tumawa ng malakas. Pagkuwa’y sinabing, “Walang lobong manloloko kung walang kambing na magpapaloko.”
Malungkot na naiwanan ang kambing sa malalim na balon.

Mga aral na matutunan sa pabula:
1) Huwag basta maniwala sa sinasabi. Hindi masamang magtanong pero mas maganda kung hihingi ka ng opinyon ng iba. Mas maganda rin kung pag aaralan mong mabuti ang impormasyon o kaya sikaping maghanap ng iba pang impormasyon upang makakapag-isip ng tama.

2) Parang katulad ito (ang sabi ang lobo sa kambing sa huli) ng kasabihang “Walang manloloko kung walang magpapaloko.” Ibig sabihin, hindi ka maiisahan ng iba kung mas marunong kang mag-isip sa kanila. Malaki ang pagkakaiba ng maingat sa mapintasin. Dapat maging maingat tayo sa pakikitungo sa mga tao pero hindi ibig sabihin na pag-iisipan natin sila ng masama o pagsuspetsahan. It’s better to be cautious and decisive rather than suspicious.

3) Kung gusto mong umangat sa buhay o magtagumpay, huwag kang gagamit at mananakit ng ibang tao dahil hindi ka magiging tunay na masaya.

Alamat ng "Si Malakas, si Maganda at ang Pagdami ng Tao"



NANGYARI naman na mag-asawa noon ang hangin dagat at ang hangin lupa, at may anak sila, si kawayan. Isang araw, lumulutang si kawayan sa tabi ng dagat nang nabangga niya ang paa ng lawin. Nagulat, nasaktan at nagalit, pinagtutuka ng lawin ang kawayan hanggang nabiyak ito. Kaginsa-ginsa, lumitaw sa isang piraso ang isang lalaki, si Malakas. Sa kabilang bahagi, lumabas naman ang isang babae, si Maganda. Sila ang 2 Unang Tao sa daigdig.

IPINATAWAG naman ng lindol ang lahat ng ibon at isda upang pag-usapan kung ano ang dapat gawin sa 2 tao. Ipinasiya nila na dapat mag-asawa sina Malakas at Maganda. Nangyari nga ito at marami silang naging mga anak, na pinagmulan ng iba’t ibang tao sa daigdig ngayon.

Pagtagal, nayamot ang mag-asawang Malakas at Maganda sa dami ng kanilang mga tamad at walang-pakinabang na mga anak. Nais nilang palayasin lahat subalit hindi nila alam kung saan itatapon ang mga ito kaya nagtiyaga na lamang ang mag-asawa.

Dumami pa uli nang dumami ang mga anak sa paglipas ng panahon at nangyari na hindi na nakaranas ng tahimik sina Malakas at Maganda.

Isang araw, hindi na nakatiis si Malakas at, dampot ang isang bakawan, pinagha-hataw ang mga bata. Takbuhan sa takot ang mga anak at nagtago sa iba’t ibang lugar. Ang iba ang nagtago sa mga silid ng bahay, ang iba ay sumingit sa mga dingding. Ang iba ay nagkubli sa mga kalan sa cocina. Ang ibang anak ay tumakas sa labas, habang ilan ay tuluyang lumayas sa dagat.

Sa ganitong paraan, nagka-iba-iba ang mga tao na kumalat sa daigdig. Ang mga nagtago sa mga silid ang naging mga pinuno sa mga pulo. Ang mga sumingit sa dingding ang naging mga alipin. Ang mga nagkubli sa mga kalan ay naging mga negro. Ang mga tumakas sa labas ang naging mga malaya. Pagkaraan ng maraming taon, ang mga anak ng lumayas sa dagat ay bumalik, at sila ay mga maputing tao, ang mga dayuhan.

ANG PINAGKUNAN
‘The Creation Story,’ a Tagalog Myth, Philippine Folk Tales, compiled and annotated by Mabel Cook Cole, A. C. McClurg and Company, Chicago, 1916,
The Project Gutenberg EBook, produced by Jeroen Hellingman and the PG Distributed Proofreaders Team from scans made available
by the University of Michigan, http://www.gutenberg.org/files/12814/12814-8.txt

Alamat ni Maria Makiling

Sinabi ng alamat, nang mga araw na yaong ang mga taoy maaaring makipamuhay sa piling ng mga bathala, ay nangyari ang dakilang pag-iibigan nina Mariang Makiling at Gat Dula.

Ang alamat ni Mariang Makiling ay tungkol sa 2 ganitong diwata nuong Unang Panahon, sina Gat Panahon at Dayang Makiling, at ang kaisa-isa nilang anak, si Maria.
Maganda at magiliw si Maria, at wiling-wili ang mag-asawang diwata sa anak na itinuring nilang kanilang kayamanan at ligaya sa buhay. Diwata rin tulad ng mga magulang, hindi karaniwan si Maria subalit naki-halubilo siya at nakipag-usap sa mga tao.

Naging ugali niya ang mamasyal sa talipapa kapag araw, naka-damit ng sutla na may borda ng mga bulaklak, ang uso noon. Ang makapal niyang buhok, abot hanggang sakong ang haba, ay may sabit na mga bulaklak ng suha. Marikit ang kanyang mga mata kaya pati mga babae ay naakit makiharap sa kanya. Pagdaan niya, yumuyuko ang mga tao sa magalang na pagbati. 

Dalawang katulong na Aeta ang lagi niyang kasama pagpunta sa talipapa. Hindi lumalayo ang mga Aeta, bitbit ang isang buslo ng luya na ipinagpa-palit ni Mariang Makiling - wala pang salapi noon, at ang “bilihan” sa katunayan ay palitan lamang ng mga dala-dalang bagay - sa mga salakot, banig, at sutla.

Isang araw, nagtungo sa talipapa ng Makiling si Gat Dula, ang panginoon sa nayon ng Bai, upang mamili at mag-aliw. Siksikan ang mga tao doon sapagkat “araw ng pamilihan” noon, at lahat sa nayon ay nasa talipapa. Pati ang mga taga-kalapit baranggay at nayon ay dumayo upang magkalakal din, bitbit ang kanilang mga “paninda.” Nandoon din noon si Mariang Makiling at nagkataon, nakasabay niya si Gat Dula sa “pagtawad” sa isang piraso ng balat ng hayop. Kapwa nakaharap sa nagtitinda, nagkadikit ang kanilang mga balikat, at nagkatinginan silang dalawa. Hindi sinasadya, nahipo pa ni Gat Dula ang kamay ni Mariang Makiling sapagkat hawak nilang magka-sabay ang balat ng hayop.

Bilang paghingi ng paumanhin, yumuko si Gat Dula kay Maria na, sa hinhin, ay hindi sumagot at tumingin sa malayo. Nagkakilala sila at pagkaraan ng mahabang pag-uusap, nakangiti nang bahagya si Maria nang maghiwalay sila. Mula noon, madalas dumalaw si Gat Dula sa bahay nina Gat Panahon at Dayang Makiling, subalit kahit kailan man, hindi na niya nakaharap si Mariang Makiling. Lagi siyang wala sa bahay at tumutulong sa mga tao. Noon kasi, gawi ng mga tao kapag nagigipit na lumapit sa mga diwata at humingi ng tulong, at pakay naman ng mga diwata ang tumulong sa mga tao.

Isa pang dahilan hindi na nakita uli ni Gat Dula si Mariang Makiling: Siya ay isang nilalang na tao samantalang si Maria ay isang diwata. Gaano man katalik sila, hindi maaaring mag-ibigan ang 2 magka-ibang nilalang. 

ANG MGA PINAGKUNAN
Mariang Makiling,’ by José Rizal, translated by Austin Craig, The Life and Writings of Dr. José Rizal, Dr. Robert L. Yoder, webmaster, http://rizalslifewritings.tripod.com/kids/mariang-makilin.htm
Mariang Makiling,’ as retold by Gat. Jose P. Rizal from Northern Luzon, http://folklore.philsites.net/stories/legend1.html
The Legend of Mariang Makiling,’ Filipino Myths and Legends, www.filipino.com.au/categ/culture/makiling.htm

Pabula ng Daga at Leon

Isang daga ang nakatuwaang maglaro sa ibabaw ng isang natutulog na
leon. Kanyang inaakyat ang likuran ng leon at pagdating sa itaas ay
nagpapadausdos siya paibaba.

Sa katuwaan ay di niya napansin na nagising ang leon. Dinakma ng leon
ang daga at hinawakan sa buntot na wari bagang balak  siyang isubo at
kainin. Natakot at nagmakaawa ang daga.

"
Ipagpaumanhin mo kaibigan. Hindi ko sinasadyang gambalain ka sa
pagtulog mo. Wala akong masamang hangarin. Nakatuwaan ko lang na
maglaro sa iyong likuran. Huwag mo akong kainin
" sabi ng daga.

Nabakas ng leon sa mukha ng daga ang tunay na pagmamakaawa.

"
Sige, pakakawalan kita pero sa susunod ay huwag mong gambalain
ang pagtulog ko
," sabi ng leon.

"
Salamat kaibigan. Balang araw ay makagaganti rin ako sa kabutihan mo, "
sagot ng daga.

Lumipas ang maraming araw at minsan sa pamamasyal ng daga sa
kagubatan ay kanyang napansin ang isang lambat na nakabitin sa puno.
Lumapit siya upang mag-usisa at agad niyang nakilala ang leon na nahuli
sa loob ng lambat na ginawang bitag ng mga nangagaso sa kagubatan.

Dali-daling inakyat ng daga ang puno at nginatngat ang lubid na nakatali sa
lambat. Agad namang naputol ang lubid at bumagsak ang lambat kasama
ang leon sa loob. Mabilis na bumaba ang daga at tinulungan ang leon na
nakawala sa lambat.

"
Utang ko sa iyo ang aking buhay," laking pasasalamat na sabi ng leon sa
kaibigang daga.


Mga aral ng pabula:
Ang paghingi ng paumanhin sa kapwa ay sinusuklian ng pang-unawa.Ang pag-unawa sa kapwa ay humahantong sa mabuting pagkakaibigan. Huwag maliitin ang kakayahan ng iyong kapwa. Hamak man ang isang tao ay maaari siyang makatulong ng malaki o makagawa ng bagay na lubhang makabuluhan.


From Katig.Com's book of fables. Alay sa kabataang Pilipino

Subtraction

Subtraction is removing some objects from a group. The meaning of 5-3=2 is "Three objects are taken away from a group of five objects and two objects remain".

How Subtraction Works
  A beginning subtraction lesson using sets for kids.
Your browser does not support the IFRAME tag.
math image
Your browser does not support the IFRAME tag.
Your browser does not support the IFRAME tag.
This is the very beginning of understanding how subtraction works. Let's look at this set:
5 triangles
Count how many triangles
are in this set...  There are 5!
Now, take two triangles away...
5 triangles with 2 being taken out
3 triangles left the 2 triangles that were taken out
 
Count how many triangles are left
in the set... 
There are 3 left!
So, 5-2=3
Here's another one: Look at this set:

9 circles

Count how many circles
are in this set...  There are 9!
Now, take five circles away...

9 circles with 5 being taken out

4 circles are left the 5 circles that were taken out
 
Count how many circles are left
in the set... 
There are 4 left!

So, 9-5=4




Mga Mabuting Ugali ng Batang Pilipino

1. Pagiging Magalang
Isang magandang pag-uugali ng mga Pilipino ang paghalik sa kamay o pisngi at pagmamano sa matatanda. Isang paraan ito ng paggalang. Karaniwang ginagawa ito ng mga bata matapos magdasal ng orasyon, pagkagaling sa simbahan, bago umalis ng bahay, kapag may dumadating o bumisitang kamag-anak o matanda, at kapag nakita at nasalubong nila ang kanilang ninong at ninang.
Ipinakikita rin ang paggalang ng mga batang Pilipino tuwing nakikipag-usap sila sa matanda.  Gumagamit sila ng po at opo at magalang na pananalita at pagbati gaya ng "Salamat po" at "Magandang hapon po." Gumagamit din sila ng magagalang na pantawag sa matatanda gaya ng kuya, ate, manong, manang, lolo, lola at iba pa.

2. Pagtutulungan
 Nagsisimula ang pagtutulungan sa sariling tahanan. Nagtutulung-tulong ang mga kasapi ng mag-anak sa mga gawain dito. nagtutulungan din ang baway isa sa magkakapitbahay upang maisaayos at mapaunlad ang kanilang pamayanan. Iyan ay likas na katangian ng isang Pilipino.
Ang karaniwang tawagan sa pagtutulungang ito ay bayanihan. Tumatawag ang magkakapit-bahay ng bayanihan kapag may malaking gawain isasagawa sa maikling panahon. Nagtutulungan ang bawa't isa upang maging magaan ang isang mahirap na gawain. Kalimitang ginagawa ito tuwing panahon ng pagtatanim at pag-aani at sa paglilipat ng isang bahay sa ibang lugar.

3. Pagtitiwala sa Panginoon
           Isang magandang katangian ng mga Pilipino ang pagtitiwala sa Panginoon. Karamihan sa kanilang mga mag-anak ay matapat sa pananampalataya. Naniniwala silang may isang Panginoong pumapatnubay sa lahat ng kanilang gawain. Batid din nilang tumutulong Siya sa mga taong tumutulong sa kanilang sarili.
4. Mabuting Pagtanggap at Pakikitungo
Kilala ang mga Pilipino sa mabuti at magiliw na pagtanggap. ibig nilang masiyahan at maging maginhawa ang kanilang mga panauhin. nagsisilbi sila ng pinakamasarap na pagkaing kanilang makakaya at naghahanda ng maayos na tulugan para sa mga bisita. Nagbibigay pa sila kung minsan ng mga regalo kapag paalis na ang kanilang mga panauhin.
  
5. Pagsama-sama ng Pamilya
Karamihan sa mga mag-anak na Pilipino ay may maganda at malapit na pagsasama-sama. Nagtutulungan ang bawat kasapi sa pagsasagawa ng mga gawaing-bahay. Madalas dumadalaw sa magulang ang nag-asawang anak kapag ito'y naninirahan sa ibang lugar. Nagsasama-sama pa ang mag-anak tuwing may "family reunion" kung Pasko at iba pang pagdiriwang o okasyon. Iyan ang nagpapakita kung paano nagkakaisa ang mga mag-anak na Pilipino.
Inaalagaan at minamahal ng bawat miyembro ng mag-anak ang matandang kasapi nito. Tungkulin ng bawat Pilipino na magsilbi sa kanyang matatandang magulang, mga lolo't lola, at kamag-anak hanggang sila'y nabubuhay. Iyan ang paraan ng pagpapakita ng magandang pagtingin sa matatanda.






Wednesday, February 15, 2012

Nursery Rhymes

                     Hickory Dickory Dock

Magagandang Tanawin sa Luzon


1. Hagdan Hagdan Palayan sa Banaue
Kilalang-kilala sa buong daigdig ang tanawing ito. Sa katunayan, ito ay tinagurian natin na “8th Wonder of the World.” Ang tinutukoy kong tanawin ay matatagpuan sa Banaue, Ifugao. Ito ay ang hagdan-hagdang palayan na pinagbuwisan ng buhay ng ating mga ninuno. Ito
ay nayari lamang sa pamamagitan ng kanilang mga kamay. Tanda ito ng sipag at pagkamalikhain ng mga unang Pilipino.


2. Talon ng Pagsanjan
Sa bayan ng Pagsanjan, lalawigan ng Laguna, matatagpuan ang isang napakagandang talon, ang Talon ng Pagsanjan. Malawak at malinaw ang tubig na nagbubuhat sa talon
na ito. Higit sa lahat ay kahali-halinang tingnan ang bagsak ng tubig na parang sinasaliwan ng malamyos na tunog ng lagaslas ng tubig-batis.


3. Lawa ng Taal
Ang Lawa ng Taal ay isang lawang tubig-tabang sa lalawigan ng Batangas sa pulo ng Luzon, Pilipinas. Ang lawa ay nasa isang caldera na nabuo ng napalaking mga pagputok sa pagitan ng 500,000 at 100,000 taong nakararaan. Ito ang pangatlong pinakamalaking lawa sa Pilipinas (ang pinakamalaki ay ang Lawa ng Laguna).




 4. Hundred Islands
Ang Hundred Islands National Park (Pangasinan: Kapulo-puloan o kaya Taytay-Bakes) ay isang destinasyong panturista na matatagpuan sa Barangay Lucap, Lungsod ng Alaminos, Pangasinan, Pilipinas. Ito ang unang pambansang parke ng Pilipinas.