Wednesday, February 15, 2012
Magagandang Tanawin sa Luzon
1. Hagdan Hagdan Palayan sa Banaue
Kilalang-kilala sa buong daigdig ang tanawing ito. Sa katunayan, ito ay tinagurian natin na “8th Wonder of the World.” Ang tinutukoy kong tanawin ay matatagpuan sa Banaue, Ifugao. Ito ay ang hagdan-hagdang palayan na pinagbuwisan ng buhay ng ating mga ninuno. Ito
ay nayari lamang sa pamamagitan ng kanilang mga kamay. Tanda ito ng sipag at pagkamalikhain ng mga unang Pilipino.
2. Talon ng Pagsanjan
Sa bayan ng Pagsanjan, lalawigan ng Laguna, matatagpuan ang isang napakagandang talon, ang Talon ng Pagsanjan. Malawak at malinaw ang tubig na nagbubuhat sa talon
na ito. Higit sa lahat ay kahali-halinang tingnan ang bagsak ng tubig na parang sinasaliwan ng malamyos na tunog ng lagaslas ng tubig-batis.
3. Lawa ng Taal
Ang Lawa ng Taal ay isang lawang tubig-tabang sa lalawigan ng Batangas sa pulo ng Luzon, Pilipinas. Ang lawa ay nasa isang caldera na nabuo ng napalaking mga pagputok sa pagitan ng 500,000 at 100,000 taong nakararaan. Ito ang pangatlong pinakamalaking lawa sa Pilipinas (ang pinakamalaki ay ang Lawa ng Laguna).
4. Hundred Islands
Ang Hundred Islands National Park (Pangasinan: Kapulo-puloan o kaya Taytay-Bakes) ay isang destinasyong panturista na matatagpuan sa Barangay Lucap, Lungsod ng Alaminos, Pangasinan, Pilipinas. Ito ang unang pambansang parke ng Pilipinas.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment